Natukoy na ng mga pulis sa France ang 1 sa 7 gunmen na nasa likod ng madugong serye ng pag atake sa Paris na ikinasawi ng hindi bababa sa 129 katao.
Nalaman ang pagkakakilanlan ng suspek na si Omar Ismail Mostefai, 29 na taong gulang, dahil sa daliring natagpuan sa Bataclan concert hall kung saan namatay ang karamihan sa mga biktima.
Batay sa impormasyon ng Agence France Presse, 8 beses nang hinatulan ng conviction si Mostefai dahil sa mga petty crime pero hindi pa ito nakulong.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hindi lamang sa France kundi pati sa mga katabing bansa nito sa Europa.
Bago nito, una nang inako ng Islamic State jihadists ang naganap na mga suicide attack sa Paris bilang kanilang tugon sa air strike ng France sa Islamic State sa Syria.
By: Jonathan Andal