1 sa bawat 100 Filipino ang maituturing na drug addict.
Batay sa tala ng Philippine National Police Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force o AIDSOTF, aabot sa isang milyon at tatlong daang katao sa buong Pilipinas ang lulong sa droga.
Dahil dito, sinabi ni PNP-AIDSOTF Spokesman Supt. Roque Merdegia na puspusan na ang kanilang operasyon kontra iligal na droga katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agenecy.
Aminado rin si Merdegia na kulang sila sa tauhan kung saan 92 lamang ang kanilang tauhan sa buong bansa, bukod pa sa salat sila sa pondo.
Nais ni Merdegia na maging isang permanenteng unit na sila ng PNP para magkaroon ng dagdag na tauhan, kagamitan at pondo.
Sa ngayon kasi, task force pa lamang ang status ng PNP-AIDSOTF.
By: Meann Tanbio | Jonathan Andal