Isa sa bawat limang bata sa Estados Unidos ang nakararanas ng gutom sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa report ng Brookings Institution na nagsagawa ng survey, nakakaalarma ito dahil mas malala pa ito kumpara sa naging resulta ng financial crisis noong 2008 sa Estados Unidos.
Batay sa survey, mahigit sa 17% ng mga natanong nilang nanay na may mga anak na edad 12 pababa ang nasabing hindi nakakakain ng sapat ang kanilang mga anak dahil sa kakulangan ng pera.
Napag-alaman rin sa survey na ilang mga pamilya ang napipilitang tipirin ang pagkain at lumiliban ng isang kainan sa isang araw upang makasapat ang kanilang budget.