Nakapagtala ng isang panibagong nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pinakahuling tala ng PNP Health Service, nasawi kahapon, ika-22 ng Oktubre, ang 55-taong gulang na police non-commissioned officer mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kaya’t nasa 22 na ang bilang ng mga nasawing mga pulis dahil sa virus.
Nasa 30 naman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, kaya’t pumalo na ito sa kabuuang 6,934.
Sa kaparehong datos mula sa PNP Health Service, naitala rin ang 40 bagong mga gumaling sa virus, kaya’t aabot na ang bilang sa kabuuang 6,276. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)