Kumpirmadong nahawa ng COVID-19 ang isa sa 36 na nakasalamuha ng 3 pasyenteng tinamaan ng Delta Variant cases sa Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sa isinagawang contact tracing, nag-negatibo naman ang 35 nakahalubilo ng tatlong Delta Variant cases.
Nilinaw din ni Moreno na dalawa lamang sa tatlong kaso ng Delta ang residente ng Maynila habang taga-probinsya ang isa pa at sa isang ospital sa lungsod lamang kinuha ang specimen nito.
Sa 36 na naitalang Delta Variant sa bansa kabilang ang 11 local cases, 3 na sa mga ito ang pumanaw. —sa panulat ni Drew Nacino