Tuluyan nang pumalo sa 53 ang bilang ng mga nasawi sa malagim na pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force sa Patikul, Sulu.
Ayon kay Armed Forces Of The Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, binawian na ng buhay ang isa pang sundalo na unang napaulat na nasa kritikal na kundisyon.
Ibinunyag pa ng AFP Chief na nagpositibo sa COVID-19 ang nasabing sundalo kaya’t hindi na ito nagawang lapitan ng kaniyang nagdadalamhating pinsan.
Ikinuwento pa ni Sobejana na gumalaw pa ang kamay ng naturang sundalo habangs siya’y nasa ospital subalit ilang sandali lamang ay tuluyan na itong namalaam.
Dahil dito, nagsara na sa 50 ang nasawing sundalo sa malagim na trahedya habang nananatili naman sa tatlo ang mga nasawing sibilyan.