Arestado ang isa sa sinasabing mahigit Tatlumpung suspek sa panghahalay ng isang teenager sa Brazil.
Una nang nagpakalat ng Pitumpung Military Police sa Rio de Janeiro upang mahuli ang mga suspek.
Nakakulong na ang nahuling suspek at patuloy pa ring ini-interrogate ng pulisya kasabay ng pagtugis sa iba pa.
Matatandaang umani ng batikos at galit sa social media nang maipost ang video ng nasabing krimen.
Sa nasabing video, naroon ang mga lalaking ipinagyayabang pa na nahalay ang naturang babae.
By: Avee Devierte