Nasunog ang ilang bahagi ng headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame, Quezon City, kagabi.
Dakong alas-7:30 nang magsimulang kumalat ang apoy sa lumang Internal Affairs Service o IAS Building.
Ayon kay Quezon City Fire Marshal F/Supt. Jesus Fernandez, umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang maapula pasado alas-8:00.
Isang bantay naman ang nasaktan na kinilalang si Julius Nicolas na natutulog sa loob ng building nang maganap ang sunog.
Bagaman walang mga dokumentong naabo dahil ang nabanggit na gusali ay isinasailalim sa renovation, tinaya naman sa P50,000 pesos ang halaga ng pinsala habang inaalam na ng kung ano ang sanhi ng pagkalat ng apoy.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)