2 ang patay na kinabibilangan ng 1 sundalo at isang Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU sa pag-atake ng New People’s Army sa Labo, Camarines Norte
Kinilala ni Lt. Gen. Ricardo Visayas, Commander ng AFP Southern Luzon Command ang mga biktima na sina Private Reymark Camila na miyembro ng 49th Infantry Battalion at Anthony Aceron, isang CAFGU na miyembro ng 22nd Infantry Battalion.
Sinasabing nagbabantay lamang ang grupo ng mga nasawi sa Namukanan Bridge Project nang tambangan ang mga ito ng mga rebelde ngunit nakaganti naman ng putok ang mga sundalo
Nagawa naman ng mga rebelde na makuha sa mga nasawing biktima ang kanilang M-14 at M-16 rifles.
Ayon pa kay Visayas, sinasabing inatake ng mga rebelde ang naturang proyekto dahil sa hindi nagbigay ng butaw o suhol ang contractor nito.
By: Jaymark Dagala