Isang sundalo ang patay habang isa ang sugatan sa pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa Davao Oriental.
Nangyari ang pag-atake sa mismong araw kung kailan binawi ng Partido Komunista ang kanilang idineklarang unilateral ceasefire.
Ayon sa tagapagsalita ng 10th Infantry Division, na si Captain Rhyan Batchar, nagtungo sa Sitio Paliwason sa bayan ng Manay ang mga pulis at tropa ng 67th Infantry Batallion para respondehan ang natanggap nilang reklamo ukol sa umano’y pangingikil at pangha-harass.
Pagdating sa lugar ay doon na inambush ng NPA ang tropa ng pamahalaan.
Matapos ang sagupaan, narekober ng mga awtoridad ang M-6 rifle at isang backpack na naiwan ng mga rebelde.
By Ralph Obina