Nasawi ang isang sundalo matapos atakihin ng armadong grupo sa Datu Hoffer Ampatuan sa Maguindanao Del Sur habang dalawa naman ang sugatan.
Kinilala ang nasawing sundalo na si private first class Jomar Saladar at ang dalawang sugatang sundalong sina Sgt. Allan Rey Estanda at private Carl Araña na isinugod na sa ospital.
Batay sa ulat ng 601st infantry brigade (IB), nagbabantay ang mga sundalo ng 40th Infantry Batallion at mga boluntaryong sibilyan sa pagsasaayos ng nasirang tulay sa barangay Labulabu II nang sumalakay ang grupo nitong Biyernes.
Kung saan umabot ng higit isang oras ang palitan ng putok bago umatras ang grupo, na sinasabing mga miyembro ng bangsamoro islamic freedom fighters, ani maj. Saber balogan ng 601st IB.
Dahil dito nagsagawa na ng pursuit operations ang militar sa kaugnay sa naganap na insidente.