Patay ang isang sundalo habang sugatan naman ang 9 na kasamahan nito matapos ang naging engkwentro ng mga ito sa mga rebeldeng grupo na Abu Sayyaf sa Patikul sa Sulu.
Batay sa impormasyon ng Western Mindanao Command (Wesmincom), nagkapalitan ng putok ang pwersa ng 32nd infantry battalion at rebeldeng grupo sa barangay Pansul sa nasabing lugar.
Kasunod nito, ayon kay Major General Corleto Vinluan, hepe ng joint Task Force Sulu, patuloy ang paghahanap ng kanilang pwersa sa mga tumakas na mga miyembro ng Abu Sayyaf.