Dead on the spot ang isang sundalo habang sugatan ang 8 iba pa sa pagsabog sa Sitio Limbungasani, Tipo-tipo, Basilan.
Isang Improvised Explosive Device (IED) ang ginamit sa pagsabog.
Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng military truck at pabalik na sa kanilang kampo mula sa pagpapatrolya ang mga biktima nang mangyari ang pagsabog.
Kasalukuyan pang ginagamot sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang mga nasugatan.
Isinisi ng militar sa Abu Sayyaf Group sa Basilan na pinamumunuan ni Furuji Indama ang insidente.
By Meann Tanbio