Isang sundalo ang patay habang dalawampu’t lima ang kumpirmadong sugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyang trak ng 35th infantry battalion ng Philippine Army sa Zamboanga Sibugay.
Ayon kay Maj/Gen. Roseller Murillo, commander ng 1st infantry division ng Philippine Army, papunta sa Labangan, Zamboanga del Sur ang mga sakay na sundalo nang mangyari ang aksidente.
Laban ng naturang army truck ang may limang mga sibilyan at dalawampung sundalo na nasugatan sa insidente habang hindi pa makilala kung sino ang nasawi.
Paliwanag pa ni Murillo, hindi pa nila makumpleto sa ngayon ang detalye ng pangyayari subalit posible na kawalan ng kontrol ng drayber sa sasakyan ang sinasabing sanhi nito.