Isang 8- taong gulang na lalake ang nakapatay ng 1-taong gulang na babae matapos paulit-ulit na paluin.
Napag-alaman na wala ang nanay ng sanggol dahil sa kasama nito ang kaibigang may-ari ng bahay para pumarty sa isang night club.
Dahil dito, kinasuhan ng manslaughter ang 26-anyos na si Katerra Lewis dahil sa kapabayaan nito sa kanyang isang taong gulang na sanggol.
Batay sa imbestigasyon, iniwan ni Lewis sa bahay ng kaibigan na kasama niya ring mag-nightclub ang anak nito kasama lamang ng 5 pang bata na nasa edad dalawa hanggang walo.
Lumalabas na pinalo nang pinalo ng 8-anyos na lalake ang umiiyak na sanggol para patahimikin ito hanggang sa di sinasadyang mapatay ito.
By Ralph Obina