Ibibigay na lamang bilang donasyon ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kaniyang isang taong sahod sa mga health worker na nakikipaglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa alkalde, idodonate niya ang kaniyang 1-year salary na aabot sa P2.1-milyon upang makabuo ng trust fund para sa staff ng Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Ani Duterte, nababahala kasi umano siya para sa 12 empleyado sa nasabing ospital na nagpositibo sa COVID-19.
Aniya, nag-iisa ang SPMC na COVID-19 hospital at test laboratory sa Mindanao.