Nakatakdang sirain at sunugin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa isang toneladang iligal na droga.
Ito’y alinsunod sa ibinabang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na sirain na ang lahat ng mga nakumpiskang mga droga para maiwasan ang pagrerecycle ng mga ito.
Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng ahensya para sa pagsunog at pagsira sa halu-halong mga iligal na droga sa Oktubre 15 sa kanilang destruction site sa Cavite.
Nauna rito, nasira at nasunog na ng pamunuan ng PDEA sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) ang aabot sa P13B halaga ng iligal na droga.