Umabot naman sa 23, 883 ang bagong kaso ng COVID-19 mula Agosto a – 15 hanggang a – 21.
Ayon sa Department of Health, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 3, 412, mas mababa ng 15% kumpara sa mga kasong naitala noong August 8 hanggang 14.
Kabilang sa mga nadagdag ang 101 severe at critical cases.
Samantala, mayroong naitalang 321 additional deaths kung saan 90 ay noong August 8 hanggang 21.