Maglulunsad ng isang linggong military drills ang China sa West Philippine Sea, ilang araw bago ilabas ng United Nations Arbitral Tribunal ang pasya nito sa inihaing kaso ng Pilipinas.
Ayon sa Chinese Maritime Safety Administration, isasagawa ang military exercises simula bukas, Hulyo 5 hanggang Hulyo 11.
Posibleng isagawa ang aktibidad sa bahagi ng Hainan Island hanggang Paracel Islands na inaangkin din ng Vietnam at Taiwan.
Nakatakdang ilabas ng International Court ang desisyon nito sa territorial dispute sa Hulyo 12 na mariin namang kinokontra ng Tsina.
By Drew Nacino