Talaga nga namang nakabibilib ang mga bata sa panahon ngayon dahil sa pagiging advanced nila ay marami na silang nagagawa at nalalaman sa murang edad, katulad ng isang taong gulang na batang babae na pati ang pwesto ng kamay sa pagkanta ng lupang hinirang, alam na rin agad.
Kung paanong natuto nang maaga ang bata, eto.
Sa New Bataan, matatagpuan ang isang pambihirang bata na aakalain mong nasa nursery na dahil marunong na itong magsalita at marami na ring nalalaman.
Sa tatas niyang magsalita at kakayahan na sumagot nang mabilis sa mga itinatanong sa kaniya, mukhang kayang-kaya na nitong makipagsabayan sa mga pre-school students.
Siya si Avianna Clea Bintas, isang taong gulang. Sa sobrang aga nitong natuto na magsalita, mayroon na agad itong kabisadong bible verse, at maniniwala ka ba na life verse niya rin pala ito?
Bukod sa kabisado na ng bata ang kaniyang buong pangalan, alam na rin nito na ang kulay ng balat niya ay morena.
Ayon sa tatay ni baby Avianna na si Marvin Bintas, nagsisimula nang magsalita ang kanilang unica hija noong sampung buwan pa lang ito.
Sinabi pa ni marvin na hindi raw nila bine-baby talk si Avianna at hindi nila ina-alter ang mga boses nila kapag kinakausap ito.
Dahil sa angking talino ni baby, nagulat na lang din si Marvin at ang kaniyang misis dahil sa murang edad, natatangi na ang communication skills ng kanilang anak.
Sa aga nitong magsalita, marahil ay magkainteres din agad ang bata na pumasok sa eskwela, pero wala rin namang duda na kayang-kaya na nitong makipagsabayan dahil bukod sa marunong na itong magbilang at mag-identify ng animal sounds, alam na rin nito kung saan ilalagay ang kamay kapag kumakanta ng lupang hinirang.
Ikaw, kaya mo bang sabayan ang daldal ni baby Avianna?