Patuloy pang tinatrabaho ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga listahan ng mga pangalang aalisin sa pantawid pamilyang pilipino program o 4ps beneficiaries na ikinukonsiderang hindi na mahirap o hindi na kwalipikadong tumanggap ng benepisyo sa ilalim ng naturang programa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, na nasa mahigit anim na raang libong household pa ang kanilang iniimbstigahan na kailangang palitan.
Sinabi ni Tulfo na nakahanda na ang mga listahan ng pangalan o waiting list na aabot sa 10.6 million na planong ilagay sa 4P’s beneficiaries na ipapalit sa 1.3 na mga pangalang inalis.
Tiwala si Tulfo na mababawasan o masosolusyonan ang problema sa mga mahihirap na pamilyang pilipino.