Inihayag ng OCTA Research Team na bahagyang tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, naitala ang nasa 10.9% positivity rate kahapon at inaasahan ang 1,100 hanggang 1,200 bagong kaso ng sakit hanggang ngayong araw.
Mas mataas aniya ito kumpara sa naitala nuong October 31 na 10.3% lamang.
Magugunitang, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang boluntaryong pagsusuot ng face mask hindi lamang sa outdoor areas kundi maging sa indoor areas.