Binawian ng buhay ang isang 10-anyos na batang babae matapos kapitan ng dikya habang naliligo sa dagat sa Araceli, Palawan
Sa imbestigasyon ng awtoridad, nagtamo ang biktima ng jellyfish sting sa kanyang kamay at braso.
Ayon sa sumiring doktor, nagkaroon ng “Anaphylaxis” o severe allergic reaction ang biktima.
Posible umanong species ng box jellyfish ang kumapit sa biktima.
Ang ganitong uri ng jellyfish ayon sa mga eksperto ay mapanganib at mataas ang toxic venom
Ang venom ng naturang dikya ay maaaring magdulot ng paralysis, cardiac arrest, at pagkamatay sa loob lamang ng ilang minuto.
Sinubukan pa itong dalhin sa pagamutan ngunit hindi na naisalba pa ng mga doktor.