Nakatakdang magsagawa ng Vax-Baby-Vax Intensified Routine Catch-Up Immunization ang Department of Health – National Capital Region (DOH-NCR) mula November 7 hanggang 18.
Layon nito na mabakunahan ang mga sanggol laban sa mga sakit tulad ng rubella, polio, tigdas at Vaccine Preventable Diseases (VPDS).
Target ng DOH-NCR na mabakunahan ang 137, 048 mga sanggol sa Metro Manila.
Isasagawa ang bakunahan sa mga barangay, city at municipal health centers.