Hiniling ng nakakulong at kilalang kritiko ng administrasyon na Si Senadora Leila De Lima na mabigyan ng pandemic leaves ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na madarapuan ng COVID-19.
Ito’y sa bisa ng kanyang inihaing senate bill number 2148 na layong magbigay ng 10 working COVID-19 paid leave sa mga empleyadong kinakailangang mag-quarantine maging ang mga hindi kakayaning magtrabaho sa pamamagitan ng work from home arrangement.
Giit ni De Lima, na nararapat lamang ito dahil sa kabila ng banta ng virus ay marami pa ring Pilipino ang pinipiling mag-trabaho para mai-angat ang ekonomiya ng bansa.
Mababatid na noong nakaraang taon, pumalo nang 4.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at siyang itinuturing na pinakamataas na bilang sa loob ng 15 taon.