Arestado sa mga otoridad ang sampung indibidwal na sangkot sa iligal na sabong sa Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang mga suspek na sina Junel Poski; Rocky Baguio; Jack Basatan; Deogracias Fernandez; Elno Palnac; Rufino Pindog; Winzel Baniwas; Reggie Ramos; Andy Bumato; at Ronald Durana.
Ayon sa mga otoridad, agad silang nagkasa ng operasyon matapos makatanggap ng report hinggil sa iligal na aktibidad ng mga suspek sa compound ng CCQ Cockpit Arena.
Sa impormasyon ng mga otoridad mabilis na nagsitakbuhan ang mga sangkot sa iligal na aktibidad kung saan, dalawang pang suspek na kinilalang sina Jimmy Pasigon at Ronald Batchiliar ang nakatakas at patuloy pang pinaghahanap.
Nakumpiska sa raid, ang anim na ulo ng live cockfighting roosters, isang improvised cockfighting rink, at bet money na nagkakahalagang P5,845.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 449 para sa inquest proceedings laban sa mga naarestong suspek.