Napagdesisyuna na ng Department of Justice (DOJ) na magsasampa sila ng kaso laban sa 10 indibidwal na naaresto noong Marso 15 kaugnay ng pag-transport ng P11B a halaga ng droga sa Infanta, Quezon.
Kinilala ng DOJ ang sampung naaresto na sina Alvin Ibardo, Jaymart Gallardo, Reynante Alpuerto, Jenard Samson, Jamelanie Samson, Mark Bryan Abonita, Marvin Gallardo, Dante Mannoso, Eugene Roger Bandoma At Kennedy Abonita.
Kakasuhan sila ng paglabag sa of Section 5, Article II of Republic Act No. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa pag-transporta ng 1,680.563 kilograms o methamphetamine hydrochloride o kilala sa tawag na shabu.
Nabatid na ihahain ang reklamo sa mga suspek sa regional trial court sa naturang lalawigan. - sa panulat ni Mara Valle