Patuloy na dumarami ang bilang ng mga gumagaling kaysa sa mga tinatamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Health Service, 21 ang nadagdag sa bilang ng mga bagong gumaling sa sakit kaya’t aabot na sa 48,630 ang total recoveries.
Habang nasa 10 lang ang nadagdag sa bilang naman ng mga bagong kaso ng virus kaya’t sumampa na sa 48,797 ang kabuuang kaso.
Mula sa nabanggit na bilang ay nasa 39 na lamang ang aktibong kaso na mas mababa ng 11 kumpara sa 50 na naitala kahapon.
Habang wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t nakapako pa rin sa 128 ang kanilang death toll. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)