Umakyat sa 10 baybayin ang kumpirmadong apektado ng red tide.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish sa Puerto Prinsesa Bay, Palawan; Daram Island, Irong-Irong sa Western Samar;
Matarinao Bay, Eastern Samar; coastal water ng Leyte; Gigantes islands sa Carles, Ilo-Ilo; Biliran Province; Dauis at Tagbilaran City, Bohol at Milagros, Masbate.
Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR Ang paghango, pagbenta, pagbili at pagkain ng mga shellfish na nagmumula sa mga naturang baybayin.
By: Drew Nacino