Inihihirit ni Leyte Representative Martin Romualdez sa government financial institutions na paglaanan ng 10 libong cash aid ang mga maliliit na negosyo upang tuluyang makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Inaatasan na rin ng kongresista ang Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na palawakin ang kanilang programa sa pagpapautang.
Ito’y sa pamamagitan ng inihaing House Bill no. 1 o “Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery o Guide Bill ng mambabatas.
Batay sa panukala, pinaglalaan nito ng P7.5 billion ang LBP habang P2.5 billion naman ang DBP na may kabuuang 10 bilyong piso bilang cash aid para sa Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa buong bansa.
Tungkulin naman ng dalawang banko na palawakin ang kanilang credit program at rediscounting facilities sa mga apektadong msmes sa agrikultura, imprastraktura, manufacturing at service industries. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)