10 Chinese national at isang pinoy ang inaresto ng mga airport police matapos tangkain umanong dukutin ang isa ding Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Batay sa ulat, sinasabing miyembro ng isang loan shark syndicate ang mga nabanggit na dayuhan.
Nahuli sa akto ng mga otoridad ang pilit na pagsakay ng mga suspek sa biktimang kinilalang si Zhou Zeng Lin sa van na minamaneho naman ng isang Filipino.
Agad namang dinala sa aiport police headquarters ang mga suspek at maging ang biktima.
Samantala, ire-refer naman ang kaso sa Anti Kidnapping Group ng Philippine National Police (PNP) para sa mas malalim imbestigasyon.