10 baybayin sa bansa ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide.
Batay sa inilabas na shellfish bulletin noong Enero 10, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) na hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang sa coastal waters ng Milagros, Masbate; Panay, President Roxas, at Pilar, Capiz; Dauis at Tagbilaran City, Bohol; Irong-Irong Bay at San Pedro Bay sa Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga Del Sur; at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.
Samantala, ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango mula sa nasabing mga baybayin basta’t sariwa ang mga ito, nahugasan ng mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.