Isinusulong ng isang party-list group sa kamara ang pagbibigay ng sampung araw na leave with pay, para sa mga empleyadong namatayan ng mahal sa buhay.
Sa House Bill 2345 na inihain nina Tingog Party-List representatives Yedda Romualdez at Jude Acidre, layunin ng mga itong payagan ang mga empleyado ng pampubliko at pribadong sektor na mag-leave upang ipagluksa ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay nang hindi nababawasan ang kanilang sahod.
Sakop ng panukala ang pagkamatay ng asawa, magulang, anak, kapatid at kama-anak hanggang third degree.
Nakasaad naman sa panukala ang pagpataw ng P20,000 multa o kulong ng 15 araw hanggang isang buwan, para sa mga hindi susunod.