Hindi bababa sa sampung (10) deboto ang nasugatan sa taunang pista ng Itim na Nazareno.
Ayon sa ulat, dinala ang mga nasabing deboto sa Ospital ng Maynila dahil sa fracture at abdominal cases.
Nakapagtala naman Philippine Red Cross (PRC) ng 58 kaso ng hypertension at 40 minor cases na kinabibilangan ng pagkahilo, pananakit ng ngipin, stiff neck, allergy at iba pa.
‘Peaceful’ so far
Nananatiling pangkalahatang mapayapa ang traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon ito kay Adrian Duque, Commander ng Segment 4 na nakatalaga sa Philpost Command Post.
Ayon kay Duque, maliban sa pagtugon sa ilang minor injuries ng mga deboto, napigilan din ng kanilang grupo ang muntik nang pagkawala ng isang bata, matapos magpunta sa palikuran ang ina.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Adrian Duque
Pinayuhan din ni Duque ang mga deboto na nagpaplano pa lang na sumama sa traslacion na kung maari ay huwag nang pumilit na sumingit papasok sa mga kalsadang daraanan ng andas.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Adrian Duque
By Meann Tanbio | Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)