10 driver ng mga provincial bus ang nag-positibo sa iligal na droga sa isinagawang random drug tests bago ang todos los santos at araw ng mga kaluluwa.
Base sa datos mula sa Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board, tinatayang 500 driver ng mga provincial bus sumailalim sa random drug testing.
Kumpiskado naman ang lisensya ng mga driver na bagsak sa test at itinurn over ang mga ito sa Philippine National Police upang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 10586.
Sinimulan ang drug test noong October 28 hanggang October 31 sa iba’t ibang bus terminal sa Metro Manila.
By: Drew Nacino