Arestado ang sampung indibidwal na sangkot sa iligal na droga matapos ang ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) sa lunsod ng Valenzuela.
Ayon sa PDEA, maghahain lamang sila ng search warrants sa dalawang bahay na ginagawang drug den ng mga suspek sa kahabaan ng General T. De Leon Road.
Kungsaan, naaktuhan umano ng mga miyembro ng PDEA at PNP ang mga suspek na nagsasagawa ng pot session sa naturang lugar.
Samantala, aabot naman sa P180,000 na halaga ng shabu ang kanilang nasamsam mula sa mga suspek.
Kasunod nito, agad namang binalaan ni Valenzuela City Police Chief Colonel Ramchrisen Haveria ang publiko na agad na aarestuhin ang mga mapatutunayang sangkot sa iligal na droga.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002.