Sampung establisyemento sa itinuturing na Nightlife Capital na Smallville Complex sa Mandurriao ang ipinasara ng Iloilo LGU dahil sa paglabag sa health protocols.
Ayon kay Jeck Conlu, tagapagsalita ng COVID-19 team ng Iloilo City government, maliban sa paglabag sa health protocols, ay pinatawan ng closure order ang ilang establishments dahil sa hindi pag-secure ng business permit.
Una rito, muling pinayagan ang night life sa naturang siyudad at inalis na rin ang liquor ban.—sa panulat ni Hya Ludivico