Tuluyan nang giniba ng mga otoridad ang 10 establishments sa Boracay Island.
Ito’y ayon sa Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) ay dahil sa kabiguang mag comply o sumunod sa mga kinakailangang requirements para makapagpatuloy ng kanilang operasyon.
Ipinabatid ng DENR Western Visayas na ang mga nasa naturang establishments ay una nang protektado ng Temporary Restraining Order (TRO) na nag expire na.
Magugunitang October 2018 nang magbukas muli ang Boracay matapos sumailalim sa anim (6) na buwang rehabilitasyon.