Ikinabahala ni Chief Inspector Jovencio Calagui, hepe ng Diffun Police sa Quirino ang sampung (10) nahuli nilang lumabag sa nationwide smoking ban ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Calagui, pawang mga estudyante ang kanilang nahuling sampu at mismong sa tindahan pa naaktuhan ang mga ito.
Alinsunod sa ordinansa, bawal bentahan ang mga menor de edad ng sigarilyo at bawal ding magbenta ang mga tindahan na nasa isang metro ang lapit sa eskwelahan.
Sa ilalim ng public smoking ordinance ng Diffun, pagmumultahin ng P500 o isang buwan na pagkakakulong ang first offender.
Habang P1,000 o dalawang buwan na pagkakakulong sa second offense at mahigit P3,000 o apat na buwang pagkakakulong sa third offense at susunod pang mga paglabag.
By Arianne Palma