Makakatanggap ng kaukulang tulong ang tatlong dating rebelde at pitong militante sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at iba pang livelihood assistance programs mula sa pamahalaan.
Pinuri naman ni Cagayan de Oro City Police Office acting director Col. Aaron Mandia ang desisyon ng mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at “Milisya ng Bayan”.
Isinuko rin ng mga dating rebelde ang isang M16 Rifle, apat na magasin, at anim na bala.
Ayon kay Mandia, magagamit ng mga surrenderees ang matatanggapo nilang tulong sa kanilang pagbabagong buhay.