Sumuko ang sampung miyembro ng New People’s Army o npa na sangkot sa “protection money” sa mga komunidad sa sultan kudarat.
Sinamahan ng mga lider ng bayan at opisyales ng Army’s 37th Infantry Battalion At 603rd Infantry Brigade ang grupo sa kanilang pagsuko.
Ayon kay major gen. Juvymax uy, commander ng army’s 6th infantry division, ang nasabing grupo ay mula sa Npa’s Self-Styled Daguma Front Far South Mindanao Region na nagsasagawa ng operasyon sa bulubundukin ng lalawigan Ng South Cotabato at Sultan Kudarat.
Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas na m16 rifle fitted na may grenade launcher, isang vintage .30 caliber browning automatic rifle, tatlong .30 caliber garand rifles, dalawang springfield bolt-action rifles at isang m79 grenade launcher. —sa panulat ni Mara Valle