Hindi bababa sa 10 food delivery rider ang nabiktima ng manlolokong nagpapa deliver ng pagkain sa Las Piñas City.
Batay sa nag viral na video sa social media, gumamit ng pangalang “Marl Dela Cruz” ang manlolokong nagpadeliver ng pagkain.
Ngunit nang dumating ang isang rider sa address na ibinibigay ng nagpakilalang Marl, sinabi ng may ari ng bahay na wala siyang inoorder at walang ganung pangalan na nakatira duon.
Hanggang sa isa-isa nang dumating ang iba pang nalokong rider.
Tinatayang aabot sa mahigit P20K ang halaga ng inorder ng pagkain ng manloloko.