Nagpadala ng aabot sa 40 bote ng tig-100ml na pasteurized human milk ang Quezon City human milk bank sa mga nagpapasusong nanay sa evacuation centers.
Ayon kay Dr. Josephine Sabando, Direktor ng Quezon City General Hospital, layon nitong tiyakin na may sapat na nutrisyon ang mga sanggol na inilikas bunsod ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Kasunod nito, nagsagawa ng milk letting acitivities sa mga komunidad upang maka-ipon ng gatas ng ina kung saan, may 200 bote pa ng human milk ang handang ipamahagi sakaling kailanganin.
Una rito, nagpadala na rin ang Quezon City Local Government unit ng mga kumot, kutson, tents at mobile showers para sa mga nagsilikas na residente ng Cavite at Batangas.