Sugatan ang 10 mga guro matapos bumangga ang sinasakyang van sa isang bahay sa lalawigan ng Cotabato, Mindanao.
Ayon kay Alamada Chief of Police Major Bryan Espinosa, ang mga biktima ay guro ng Cotabato State University at ang drayber nito.
Aniya, mula sa Bukidnon ang mga guro at pauwi na sana ng Cotabato nang biglang mawalan ng preno ang sasakyan at bumangga sa isang bahay sa barangay barangiran Alamada.
Agad namang dinala sa ospital ang mga nasabing indibidwal at 6 sa kanila ay nakalabas na.—sa panulat ni Airiam Sancho