Iginiit ng PAGASA Weather Bureau, na aabot sa 10 hanggang 15 bagyo ang maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility simula ngayong buwan hanggang sa Oktubre.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Benison Estareja, maaaring maglandfall ang mga paparating na bagyo partikular na sa Luzon at Visayas habang ang iba naman ay maaari lamang palakasin ang hanging habagat partikular sa kanlurang bahagi ng bansa.
Asahan din ang pabagu-bagong panahon dulot ng El Niño Phenomenon.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang sitwasyon sa loob at labas ng bansa, para sa kaligtasan ng publiko.