Pwede nang makalabas ng kani-kanilang kabahayan ang mga indibidwal na edad 10 hanggang 65 taon, sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, magiging epektibo ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa aprimero ng Pebrero.
Mababatid na ang naturang hakbang ay bilang pagtugon sa kahilingan ng Department of Trade and Industry (DTI) na muling palakasin ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Kaugnay nito, ayon kay Roque hinihikayat nila ang mga lungsod na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ), na i-adopt din ang kaparehong kautusan bagama’t nasa kanila na ang desisyon kung anong mga edad ang isasama rito.