Nagpositibo sa sakit na Corona virus desease ang sampung health workers ng Batanes General Hospital.
Ayon sa Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center na si Dr. Glen Matthew Baggao, handa ang kanilang mga hospital beds para sa mga nagpositibong health workers kung saan, isa dito ay ang doktor habang siyam naman ang health workers.
Humihingi na ng tulong ang Batanes General Hospital para maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang mga tauhan.
Sa ngayon, nakatanggap narin ng ppe sets ang Batanes General Hospital mula sa CVMC habang mayroon naring kagaragdagang tent at mga beds na magagamit sa naturang hospital sa lalawigan ng Batanes. —sa panulat ni Angelica Doctolero