Inilipat sa kustodiya ng Philippine Marine ang 10 high profile na Pilipino at Chinese national na preso kabilang na ang drug lord na si Peter Co.
Ayon kay Captain Felix Serapio Jr. direktor ng Marine Corps Public Affairs Office, nilipat na ang mga nasabing preso noong Hunyo 12 mula sa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor) at inilipat sa detention facility ng Marines Barracks Rudiardo Brown sa Fort Bonifacio, Taguig.
Dagdag pa ni Serapio, pumirma ang BuCor sa memorandum of agreement ng paglipat ng mga high profile inmates sa marines.
Samantala, hindi tinukoy ni Serapio ang dahilan ng paglipat at kung paano ang ginawang pagpili sa mga presong nilipat.
Sa panulat ni Lyn Legarteja.