Patuloy na tinututukan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng mga establisyemento sa bayan ng El Nido, lalawigan ng Palawan.
Ito’y makaraang ipasara ng DENR ang sampung (10) hotel sa nasabing lugar dahil sa paglabag ng mga ito sa umiiral na Clean Water Act of 2004.
Ayon sa environmental management bureau ng DENR Region 4B o Mimaropa, nagdadala ng maitim at mabahong tubig ang mga establisyemento sa Bacuit bay.
Ilan sa mga nakasama sa ceast and desist order na inilabas ng DENR ay ang El Nido Sea Shell Resort and Hotel, Doublegem Beach Resort and Hotel, Buko Beach Resort, Panorama Resort.
Gayundin ang Four Seasons Seaview Hotel, Stunning Republic Beach Resort, Sava Beach Bar/ Sava Nest Egg Incorporated, El Nido Beach Hotel at The Nest El Nido Resorts and Spa Inc.
Samantala, ipinasara rin naman ng pollution adjudication board ang Cuna Hotel sa Barangay Maligaya dahil sa parehong paglabag.