Sampung (10) human rights defenders ang kinasuhan ng perjury dahil sa di umano’y pagsisinungaling sa inihain nilang writ of amparo na hindi naman napagbigyan ng Korte Suprema.
Ang writ of amparo ang ginawang basehan naman ni National Security adviser Hermogenes Esperon sa buwelta nya sa mga human rights defenders.
Ang mga kinasuhan ng perjury sa Quezon City Metropolitan Trial Court ay sina Elisa Tita Lubi –chairperson ng Karapatan, at iba pang opisyal at miyembro nito na sina Cristina Palabay, Roneo Clamor, Krista Dalena ng Gabriela; Editha Burgos –ina ng nawawalang activist na si Jonas Burgos; Jose Mari Calleung at Wilfredo Ruazol, kasama rin si Sister Cupin –isang madre na miyembro ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP).
Ayon kay Esperon, nagsinungaling ang mga akusado sa sinumpaan nilang salaysay sa kanilang writ of amparo nang sabihin nilang ang Gabriela, Karapatan at RMP ay rehistradong non-stock profit organization gayung ang RMP certificate of registration ay napawalang bisa na ng Securities and Exchange Commission (SEC) noon pang 2003.